SANGGOL NA DINUKOT SA OSPITAL NABAWI NA

sanggol

ILOCOS SUR – SA tulong ng closed-circuit television (CCTV) agad natunton sa bayan ng Tagudin sa lalawigang ito ang 40-anyos na babae na dumukot sa kasisilang lamang na sanggol sa isang ospital a Santiago City, Isabela.

Nabawi rin ang babaeng sanggol sa nasabing bayan.

Hinala ng Tagudin Police, magpapanggap ang hindi pinangalanang babae na anak niya ang sanggol na babae.

Mayroon umanong nobyong 20-anyos ang suspek at may usapang babalikan siya sa Tagudin dahil sinabi nitong nanganak siya noong Setyembre 4.

Magugunitang ipinagkatiwala ng ina ang kapapanganak na sanggol sa suspek dahil lumapit ito at nagpakita ng giliw sa kanilang mag-ina.

Nag-alok na kakargahin ang bata at tila ipinaghehele nang biglang maglaho.

Sa CCTV footage, nakita ang babae na nakasuot ng jacket na itim at hindi napansin ng mga nurse at security guard na sa loob ng jacket ang sanggol.

Agad kumilos ang awtoridad at dahil ma­linaw ang kuha ng CCTV sa mukha ng suspek ay natagpuan din agad ito  gayundin ang pagkarekober sa baby girl. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.