BATAAN- PATAY ang isang taong gulang na sanggol na babae matapos makalulon ng napulot nitong marshmallow candy sa Barangay Lucanin, Mariveles.
Ayon kay Loren Austria, ina ni Asel (di-tunay na pangalan), hindi umano niya napansin ang anak na naglalaro at nakapulot ng marshmal-low na isinubo nito.
Aniya, nakita na lang daw niya ang anak na nagingisay at hindi nakahinga matapos itong mabulunan ng isinubong kendi.
Kuwento ng ina, paborito umano ng biktima ang marshmalllow na madalas pinakakain sa anak pero, ginugupit niya ito ng maliliit bago isubo para hindi mabulunan.
Isinugod sa pagamutan ang biktima, pero idineklara itong dead on arrival. ROEL TARAYAO
Comments are closed.