SANGKOT SA DROGA ARESTADO

pot session

CALOOCAN CITY– NASAKOTE ang siyam na hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na drug operation ng mga pulis sa Caloocan City, Lunes ng gabi at Martes ng madaling araw.

Sa report ni Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores kay Northern Police District (NPD) Director, PBGen Rolando Genaro Ylagan, alas-11:10 ng gabi, nagpapatrolya ang mga pulis nang may magnguso sa kanila na may nagtatransaksiyon ng shabu sa Phase 9, Package 8, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nang puntahan ng mga pulis ang nasabing lugar, nabulaga nila sa gitna ng drug deal at agad dinakip sina Ruel Arsenal, Rolando Nuylan, at Roy Faustorilla na nakuhanan ng limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,292.

Dakong alas-12:25 naman ng madaling-araw nang may magnguso sa mga parak na may bumabatak ng shabu sa 84 Mangga Street, Brgy. 178, Camarin 2.

Pagpunta ng mga parak sa nasabing lugar ay nabulaga ang mga bumabatak at dinampot sina Joey Adarayan, Francisco Villasan, at Jhon Emmanuel Adara­yan, na nakuhanan ng bukas na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Bandang ala-1 naman ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCPT Deo Cabildo sa buy bust operation sina Rommel Vista, Rode Manansala, at Prince Batac y Loreto at nakuha sa mga suspek ang  limang gramo ng shabu na may street value na  P34,000. EVELYN GARCIA

Comments are closed.