ARESTADO ang 19 hinihinalang drug personalities na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 20 piraso na plastic sachets ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, noong Easter Sunday at kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay, alas-4:15 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. na sina Rosalina Tamondong, Billy Joe Morata at Jay-Ar Antipolo matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa police poseur-buyer kapalit ng P200 marked money sa Gen. T. De Leon Road.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang 10 pang plastic sachets ng shabu, buy bust money at ilang piraso ng drug paraphernalia.
Naaresto rin ng pulisya si Jessie James Junio, Christopher Dela Rosa, Leonardo Samonte, Jr., Audrey Brylle Bue at Nilo Carolino, Jr. matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng shabu.
Bandang alas-12:10 naman ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Maj. Jowilouie Bilaro sina Brian Joseph Herrera, Katrina Mae Rodil, Razel Delos Santos, Darl Kent Fernandez at Rodrigo Delos Santos sa drug bust operation sa 3273 Teacher’s Village, Gen. T. De Leon. Anim na plastic sachets ng shabu, drug paraphernalia at buy bust money ang narekober sa mga suspek.
Nasakote rin ng mga operatiba ng SDEU sa buy bust operation si Reynaldo Roy, 46, Ariel Geronimo, 32, Mark Anthony Razon, 27, Arien Anguring, 44, Ronnel Danao, 24, Christopher Diana, 33, sa isang bahay sa Sitio Kabtuhan, Brgy. Gen. T. De Leon alas-4 ng madaling araw, kasama ang 16-anyos na binatilyo na naaktuhang nagsa-shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang pitong plastic sachets ng shabu, dalawang plastic sachet na may bahid ng shabu, P300 marked money at ilang piraso ng drug paraphernalia. EVELYN GARCIA
Comments are closed.