NAGSAMPA ng criminal charges ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong Attempted Trafficking in Persons, Illegal Recruitment in Large Scale at Graft and Corrupt Practices laban sa Immigration Officer at tatlong iba pa dahil sa pag-recruit at pagproseso sa anim na biktim na papuntang Cambodia sa Clark International Airport noong Enero 15, 2023.
Kinilala ang kinasuhan na sina Immig. Officer I na si Alma Grace Ambrocio David; John Paul Angelito Tan Sanchez, dating Job Order Employee ng Bureau of Immigration; Rachel Almendra Luna, alias Kate at Princess Batac Guererero alias Hannie dahil sa pare-recruit at pagproseso sa biyahe ng anim na biktima na patungong Cambodia bilang call center agents.
Sa imbestigasyon ng NBI Pampanga District Office (NBI-PAMDO), ni-recruit umano ni alias Kate ang mga biktima bilang mga call center agents sa Cambodia at pinangakuan ng suweldo na $800 hanggang $900 kada buwan at prinoseso naman ni alias Hannie at kanilang travel documents at iniskortan sa loob ng airport habang si Guerrero naman ang nagturo kung ano ang sasabihin nila sa Immigration counter. Nalaman din na sumusunod ng utos si Guerrero mula kay Sanchez
Nakalusot ang mga biktima sa primary inspection mula kay David subalit pagdating sa boarding gate ay naharang sila ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration kung saan nagsasagawa ng random check at inspection.
Sa imbestigasyon, ang Hong Fa International Company na naka-base sa Cambodia ay ang employeer ng mga biktima na sangkot sa crypto-currency scam sa mga Pilipino.
Nitong Pebrero 25, tatlong indibidwal ang pinabalik sa Pilipinas ng nasabing kumpanya. Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila na magtrabaho bilang sales agent.
Subalit, nasadlak lang sila bilang mga scammer kaya ang kanilang pasaporte ay kinumpiska ng kanilang Chinese employer at hindi ibinigay ang kanilang suweldo.
Gayundin, nitong Pebrero 16, ang Department of Migrant Workers (DMW) ay nag-isyu ng certification na sina Guerrero at Luna ay hindi awtorisadong kumuha ng Pinoy workers para sa overseas employment. PAUL ROLDAN