NAGLABASAN sa gusali ng Senado ang mga senador nito kasunod ng naganap na lindol.
Maliban sa mga senador ay may mga kongresista, opisyal ng pamahalaan, mga empleyado ang naglabasan din sa loob ng Senado
Matapos ang lindol ay pinalikas din ng mga tauhan ng Office of the Sargent at Arms (OSSA) ang lahat ng mga taong nasa loob ng gusali ng senado.
Ito ay upang matiyak na maging ligtas ang bawat isa kasunod ang pagsusuri sa gusali.
Makaraang matiyak na ligtas ang gusali ay pinabalik at pinapasok na muli ang mga ito.
Hindi na inalintana ng bawat isa ang matinding sikat ng araw matiyak lamang ang kanilang kaligtasan.
Subalit, isa naman sa empleyado ng senado ang tumaas ang presyon ng dugo dahilan upang agad na suriin ng mga doktor sa senate clinic.
Dahil dito, isinakay si Venturina sa ambulansya para i-monitor ang kanyang blood pressure at hindi na dinala sa ospital.
Kasabay ng naganap na lindol ay ang pagsalang sa ilang opisyal ng pamahalaan sa Commission on Elections ( COMELEC). LIZA SORIANO