Santacruzan, alamat ng paghahanap sa tunay na krus

Jayzl Villafania Nebre

Ang Santacruzan ay isang religio-historical beauty pageant na ginagawa sa mga siyudad, bayan at kahit pa sa barangay sa lahat ng panig ng Pilipinas, sa buong buwan ng Mayo. Isa sa pinakamakulay na aspeto ng festival at paghahanaop sa Tunay na Krus ni Reyna Helena, ina ni Constantine the Great.

Isa itong novena procession, kung saan ang novena prayer ay tungkol sa pagbibigay-galang sa Banal na Krus na siyang nangunguna sa parada ng Santacruzan.

Una itong ipinakilala sa atin ng mga Kastila ngunit naging tradisyon at bahagi na ng ating kultura.

Sa Santacruzan, naglakbay si Helena upang hanapin ang tunay na krus na pinagpakuan kay Jesus, upang maibalik ito sa Roma. May tatlong virtues na may kinalaman kay Queen Helena at sa Santacruzan: Fe, Esperanza, Caridad (faith, hope, charity).

Unang nagkaroon ng Santacruzan noong 1867 sa Malolos, Bulacan. Tinatawag ito ngayong ‘Queen of Philippine Festivals dahil hindi lamang isang buong buwan ang pagdiriwang nito kundi pibakahihintay din ito ng lahat.

Reina Emperatríz (Queen Empress) ang laging huli sa prusisyon ng Santacruzan, bilang representasyon ni Saint Helena of Constantinople, lalo na ang kanyang titulong Augusta (’empress’ or ‘queen mother’), na natanggap niya mula kay Constantine noong 325 AD.

Sa buong prosisyon, nakasoot ang mga kabataang babae at lalaki ng napakagagandang damit na bagay sa character na kanilang ipino-portray. Merong anghel, bituin, Damas y Caballeros, at iba pa.

Kasama sa pinakamagagandang Reyna sina Rosa Mystica at Reina de los Flores. Si “Rosa Mystica” ay may dalang isang pulang pulang rosas habang ang Flores naman ay napapalibutan ng mga bulaklak.

Madalas maipagkamali ang Santacruzan na Flores de Mayo, pero magkaiba sila. Ang Flores de Mayo ay isang buwang festival ng pag-aalay ng bulaklak kay Santa Maria na ang kulminasyon ay sa huling araw ng buwan, samantalang ang Santacruzan ay prusisyon ng mga Reina na kasama sa paghahanap ni St. Helena sa Banal na Krus. JVN