KAMAKAILAN ay nadagdagan na naman ang edad ni Sanya Lopez. Isang simpleng pagtitipon ang binigay ni Sanya para sa kanyang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay at solid fans. Nakasanayan na rin naman ng followers sa tuwinang may espesyal na okasyon sa kanilang iniidolo ay andu’n na rin ang isang espesyal na tao sa buhay niya.
Pero sa kaso ni Sanya na “no boyfriend since birth” ang peg, marami sa kanyang followers ang nasasabik na malaman kung sino ang special someone ng kanilang idolo sa araw na iyon. Tulad ng dati, wala pa ring ipinakilalang boypren si Sanya, at tila nalilimutan na medyo nagkakaedad na rin naman siya at wala pa rin nagiging boypren.
Ani ni Sanya, ‘di raw niya pini-pressure ang kanyang sarili na magkaroon na ng boypren. Masaya siya bilang single at tutok sa showbiz karir. Hindi nangangamba si Sanya na matagalan na magkaroon ng karelasyon, para kasi sa dalaga, feel niya kasi kung sinuman ‘yung una niyang magiging boypren ay ‘yun na rin ang makakasama niya sa habang buhay.
Sa ngayon ay bising-bisi si Sanya sa kanyang teleserye with Benjamin Alves and Winwyn Marquez, ang “Dahil sa Pag-ibig” at sa pelikulang “Isa Pang Bahaghari” with Nora Aunor and Philip Salvador.
JERIC GONZALES DUMATING NA ANG HINIHINTAY NA BREAK
MATAGAL-tagal na rin naman na panahon ang hinintay ng Protégé male winner na si Jeric Gonzales at dumating na ang kanyang biggest break sa Kapuso Network at ngayon ay tila magkakaroon na ito ng katuparan. Bibida na rin sa unang pagkakataon sa isang teleserye si Jeric, sa “Magkaagaw”.
Bukod kay Jeric ay ilo-launch na rin into full stardom ang female Starstruck winner na si Klea Pineda. Si Migo Adecer na co-winner ni Klea ay nabigyan na ng lead role sa pamamagitan ng pagiging isa sa main cast ng “Sahaya” kasama sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Ano ang pakiramdam ngayon ni Jeric sa isang pagkakataon na binigay sa kanya ng Kapuso Network? Say ng hunk actor, simula raw nang manalo siya sa Protégé ay isa lang ang nasa isip niya ang marating ang tagumpay ng mga sikat nating leading man ngayon tulad nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Bilang paghahanda sa unang pagkakataon na maging leading man sa teleserye ay nag-undergo pa ng acting workshop si Jeric sa isang kilalang international acting coach na si Anthony Bova. Hindi lang para maipakita ang kanyang angking galing sa pag-arte ang gustong patunayan ni Jeric, kundi ang makasabay sa aktingan ang mga batikang actor na kasama nila sa “Magkaagaw” tulad nina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.
Comments are closed.