PAGKATAPOS na maging palaban sa “Haplos” at sexy movie niyang “Wild and Free” ay ibang SanyaLopez naman ang mapanonood ng kanyang mga follower sa pinakamalaking teleserye na prodyus ngayong taon ng GMA7, ang “Abel at Cain” nina Dingdong Dantes at Den-nis Trillo.
Isang probinsiyana na nainlab sa isang bad boy at nabuntis. Wala man daw siyang sexy scene sa eksena ay nandoon naman siya sa side ng heavy drama. Nais kasi ni Sanya na masubukan ang lahat ng klase ng role as an actress kung kaya iwas na muna siya sa sexy role.
Ang isang gustong-gusto pang gawin ni Sanya ay magkaroon ng mga maaksiyong eksena, tulad ng suntukan, barilan at iba pa pero sa “Abel at Cain” na isang solidong action teleserye ay wala siyang eksenang bakbakan. Given a chance, feel ni Sanya talaga gumawa ng mga action movies o teleserye. Feeling super hero na may pana ang gustong-gustong gawin ni Sanya, ala Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes pero female version naman.
Pagdating naman sa pagpapa-sexy muli ni Sanya, ok lang naman daw siya gawin ito pero lahat ay may limitasyon. Lalo na sa katulad niyang no boy-friend since birth.
PAULINE MENDOZA NO BF SINCE BIRTH
PANALONG-panalo si Pauline Mendoza sa kanyang acting na pinakita sa trailer ng bago niyang proyekto sa GMA7, ang “Abel at Cain” kung saan ay gumanap siyang younger sister ni Sanya Lopez. Wala mang aksiyong scene na ginawa si Pauline sa “Abel at Cain”, drama to the max naman ang kanyang ginawa. May eksenang todo luha ni Pauline habang kausap si Sanya.
Effortless ang acting ni Pauline, natural na natural. At kapuna-puna rin na may mga anggulo siya na tila nahahawig kay Cristine Reyes noong kabataan pa nito.
Ayon naman kay Pauline, marami na raw ang nakapagsabi noon sa kanya lalo na ‘pag naayusan na siya, at para kay Pauline, hindi raw niya nakikita sa sarili niya na magkamukha sila ni Cristine kahit pa marami na siyang nariringgan ng ganoong komento. Nakilala at naging maingay ang pangalan ni Cristine Reyes noon nang nag-change siya ng image, from sweet to daring and sexy. Sa side kaya ni Pauline, na nakikilala ngayon sa pa-tweetum and drama role, may chance kaya rin na magpa-sexy siya tulad ng kanyang ka-look alike na si Cristine?
Ani ni Pauleen, hindi raw niya nakikita ang sarili na magpa-sexy sa mga darating pang panahon pero hindi naman daw niya isinasara ang kayang kaisipan sa bagay na ito. At 19, ay inamin din ni Pauline na wala pa siyang naging syota since birth. Choice daw ito ni Pauline at gusto niyang tumutok na muna sa kanyang showbiz career and love can wait para sa magaling na young actress.
Comments are closed.