WALA mang pinagkakaabalahang soap opera ngayon ang Kapuso sexy young actress na si Sanya Lopez ay tila may pahaging naman siya sa kanyang social media na pinaghahandaan ngayon.
Sa isang video na pinost ni Sanya sa kanyang personal account ay makikita siyang naglalakad in a very elegant evening gown na tila rumarampa sa isang entablado. Reynang-reyna ang kanyang dating. Kaya marami tuloy ang naniniwalang tila may plano na nga talaga si Sanya na lumaban sa isang national beauty contest, puwedeng sa BB. Pilipinas o kaya sa Miss Philippines World.
Sa ganda ng tindig at paglalakad na ala-beauty queen ay masasabing malamang ay nag-undergo ng training si Sanya para sa paghahanda sa beauty pageant. Hindi naman pa ‘binitin’ ni Sanya ang netizens na nagtatanong kung join ba siya sa beaucon, sa pagsasabing ‘wait ka lang malapit na’ sa caption ng kanyang video in slow motion mode.
Kung pagbabasehan ang video na ini-upload ni Sanya, masasabi talagang puwedeng-puwede ipanlaban ng Filipinas si Sanya sa Miss Universe o Miss World title, sa kanyang tindig at kaseksihan and in fairness, may talino rin naman si Sanya na kakayanin ang mga beaucon questions.
Sa QCinema
JANINE GUTIERREZ TULALA NANG IANUNSIYO NA SIYA ANG BEST ACTRESS
TULALEY ang byuti ni Janine Gutierrez nang matawag ang kanyang pangalan bilang best actress para sa kanyang makatotohanan na pagganap sa “Babae at Baril” isa sa mga Asian Film feature sa nakaraang QCinema 2019. Bago pa man kasi ang naturang awards night ay happy na si Janine dahilan sa kagagaling lang niya sa isang bakasyon kasama pa ang boypren na si Rayver Cruz, at pag-uwi niya ay ipapalabas na nga ang isa sa pelikulang gustong-gusto niyang gawin, isang action movie.
Nabitin kasi ang kanyang byuti sa mga maaaksiyong eksena sa teleserye niyang “Dragon Lady” kung kaya nang i-offer sa kanya ang movie ay hindi na nagdalawang-isip pa itong si Janine.
Ani ni Janine before the awards night, nagpapasalamat na siya ng malaki kung siya pa ang mananalo. Okey na raw kay Janine na ma-nominate siya sa best actress category. Kaya nang tawagan ang pangalan ni Janine bilang winner, nasa stage na raw siya ng halos ilang minuto ay tila hindi pa niya nauunawaan ang nangyayari sa kapaligiran, ika nga cloud 9 ang byuti niya.
Kaya nang ‘matauhan’ ay labis-labis ang pasasalamat ng Kapuso young actress. First time kasi ni Janine na makatanggap ng best actress award kaya ganun na lang ang labis na kaligayahan na nadarama.
Kung happy si Janine, mas lalong happy ang kanyang boypren na si Rayver Cruz. Ani ng actor, nang makita niya ang mga ngiti sa labi ng gf ay feeling ni Rayver siya na rin ang nanalo.
Comments are closed.