SANYA LOPEZ PINALITAN SI MS. UNIVERSE PIA WURTZBACH

HINDI  makapaniwala  si Sanya Lopez na siya ang ipapalit kay Miss Universe Pia Wurtzbach bilanghotshots Calendar Girl.

Pagtatanggol naman ng mga barakong followers ni Sanya na may karapatan daw ang sexy Kapuso actress na ipalit kay Pia bilang Calendar Girl dahil una ay mas sariwa raw ito kumpara sa former Miss Universe at eksakto ang kaseksihan ng katawan.

Nang humarap sa press si Sanya ay masa­yang-masaya ito at hindi nga makapaniwala dahil pagkatapos ng maging Calendar Girl ang isang Miss Universe ay siya ang ipapalit.

Ayon pa sa Kapuso actress, matinding diet daw ang ginawa niya  bago siya sumalang sa sexy pictorial ng naturang brand ng inumin.  At wala raw siyang naramdamang hiya habang kinukunan ang mga sexy pose niya  para sa Calendar Girl.

At  wala rin daw problema kay Sanya na pagpantasyahan siya ng mga kalalakihan dahil sa mga sexy pose niya dahil ganun naman daw talaga kapag naging Calender Girl at wala siyang magagawa.

Pero  pagdidiin ni Sanya na hindi naman daw bastos o malaswa ang pictorial niya.

Samantala, nagulat ang press kay Sanya nang tanungin kung sino ang gusto niyang makainuman.

“Si  Coco (Martin) ang gusto ko kainuman. Kasi balita ko umiinon din  siya. Hahahaha! At saka pro­bin­s­yano siya, ‘di ba?  Eh, probinsyana  rin  ako.  So, bagay kami. Hahahaha! At  saka, ang alam ko gentleman siya, kaya masarap siyang kainuman,” naka­ngiting say ni Sanya sa interview.

KORINA SANCHEZ PROUD SA KANYANG BEST MAGAZINE SHOW AWARD      

PROUD na proud si Korina Sanchez sa natanggap ng Best Magazine Show and Best Magazine Show KORINA SANCHEZHost sa katatapos na 33rd PMPC  Star Award for TV  para sa kanyang programang Rated K.

Pakiramdam daw niya ay bumalik siya sa edad na 25 years old, na hanggang ngayon ay hindi pa rin raw niya mapaliwanag ang kasiyahan nadarama.

Wish  niya  na  sana raw ay makatanggap pa rin siya ng awards kapag malaki ang kambal nila ni former Senator Mar Roxas na sina Pepe & Pilar.

“Sana  naman sa Lifetime  ng mga anak ko, maka­panalo pa rin ako ng mga awards para masabi naman nila na `uy buhay na ako ng mga panahon na  yun, nanalo pa rin ang nanay ko!” masayang  say ni Korina nang makausap ng press pagkatapos niyang tumanggap ng award.

Ang lahat  raw ng ginagawa niya ngayon ay para sa kanyang dalawang anak at gusto niyang maging good example sa kanilang kambal  ni Mar Roxas.

Magkaiba  raw ang ugali ng kambal nilang anak. Medyo happy go lucky  raw si Pepe at medyo suplada naman daw si Pilar, pero hindi raw dapat  sabihin  sa  bata ‘yun.

First time magse-celebrate si Korina ng Halloween with the kids ngayong  Nov. 1  at  pinag-uusapan na raw nilang kung ano ang kanilang gagawin.