THRILLED ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na makasama ang Superstar na si Nora Aunor sa “Isa Pang Bahaghari” na ididirehe ni Joel Lamangan para sa 2019 Metro Manila Film Festival.
Sey ni Sanya, isang malaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang People’s National Artist dahil noon pa man ay pinangarap na niya itong maka-work.
Gagampanan ni Sanya ang role ni Dolly, ang pinaka-batang anak nina Nora at Phillip (Salvador) sa nasabing proyekto.
Si Sanya ay nakilala sa mga teleseryeng ‘Encantadia”,“The Half Sisters”, “Haplos” at naging leading lady ni Dingdong Dantes sa “Cain at Abel”.
Sa kasalukuyan, kasama rin siya sa afternoon soap na “Dahil sa Pag-ibig”.
GUY AT IPE REUNITED
PAGKATAPOS ng maraming taon, reunited ang dalawang magagaling at multi-award winning actors na sina Nora Aunor at Phillip Salvador sa “Isa Pang Bahaghari” ng Heaven’s Best Entertainment.
Sina Nora at Phillip ay nagkasama sa mga pelikulang “Bona”, “Nakaw na Pag-ibig”, “Tinik sa Dibdib” at iba pa .
Sa nasabing proyekto, gagampanan ni La Aunor ng papel ng Lumen, isang single mom na itinaguyod ang kanyang mga anak sa paniniwalang iniwan siya ng asawang seaman na naaksidente sa laot.
Ang naturang proyekto ang pagbabalik-pelikula ni Michael de Mesa na binibigyang-buhay ang papel ng gay friend ni Ipe.
Tulad ng nakaraang MMFF entry na “Rainbow Sunset”, gay-themed din ang naturang proyekto na isinulat ng award-winning screenwriter na si Eric Ramos.
Paliwanag naman ng director nitong si Joel Lamangan, iba ang konsepto ng Rainbow Sunset sa Isa Pang Bahaghari.
“Magkaiba naman sila,” aniya. “Mas bata ang characters sa ‘Isa Pang Bahaghari’. Sa ‘Rainbow’ kasi, mga 80 years old na sila. Mas bata naman sina Nora Aunor, Phillip Salvador and Michael de Mesa, at hindi naman nagsama rito ang characters nina Ipe and Michael. Basta si Michael, since high school, one true love niya si Ipe, pero si Nora ang nagustuhan nito at tinuluan pa niyang manligaw. Years later, after magkahiwalay sina Nora and Ipe for so many years, si Michael uli ang tutulong kay Ipe para ligawan uli si Nora,” paliwanag ni Direk Joel. “Another difference is in the setting and milieu of the stories. “Sa ‘Rainbow’, mayayaman sila. Dito, poor sina Ate Guy.
So sa mga nagrereklamo kung bakit may bakla na naman, e bakit, ‘di ba kahit saan naman, may bakla? Dito, ipapakita namin na yung mga mahihirap na bakla, kahit sawimpalad, nagpupunyagi pa ring mabuhay nang tama at positibo pa rin ang tingin sa buhay. Si Nora rito, ang trabaho, nagpapatuyo ng isda para maging daing. We found a beautiful village sa Cavite na ganun ang trabaho ng mga tao. Ang ganda nung location. Virgin pa at ngayon lang may magsu-shoot doon. Kahit tungkol sa mahihirap ang movie namin, we want the set to be light and not depressing para hindi masabing this is another poverty porn,” dugtong niya.
Ang “Isa Pang Bahaghari” ang ikalimang kolaborasyon ni Direk Joel kay Ate Guy na naidirehe na niya sa mga pelikulang “ ‘Flor Contemplacion Story’, ‘Muling Umawit ang Puso’, ‘Bakit May Kahapon Pa’, ‘Sidhi’ at ‘Hustisya’.