HINDI nagpahuli si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagbati sa bisperas ng Father’s Day sa kanyang amang si Presidente Duterte.
Sa kanyang mensahe ay inilarawan ni Inday Sara na naging mahigpit si ‘Digong’, kung tawagin nito sa social media, pagdating sa kaniyang pag-aaral at trabaho.
Hindi naman umano siya nagrereklamo sa paraan ng pagpapalaki ng Pangulo para makatapos ng pag-aaral.
Nagpasalamat ang alkalde at kung hindi dahil sa kanyang ama ay hindi siya magiging abogado katulad nito.
Wala umano siya sa kaniyang puwesto ngayon kung hindi dahil sa kaniyang ama at ina.
Nakuha umano niya ang ‘twisted sense of humor’ at pagiging pukpok ng ama para makamit ang tagumpay sa buhay.
Comments are closed.