MAY napili na si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na anim na kandidato sa pagkasenador para sa 2022 elections.
Kinabibilangan ito nina dating Presidential Spokesman Harry Roque, dating Senador Jinggoy Estrada, dating Public Works Secretary Mark Villar, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating Senador Loren Legarda.
Paliwanag ni Duterte-Carpio, kaibigan niya ang anim na kandidatao kung kaya susuportahan niya ang mga ito.
Sa kabila nito ay nilinaw ni Duterte-Carpio na hanggang sa ngayon ay wala pang opisyal na senatorial line-up ang kanilang tambalan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.