NAGING matagumpay ang unang pa-tryout ng bagong saling SARANGANI team sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na ginawa kahapon ng alas-10 ng umaga sa Pasay Sports Complex malapit sa Cuneta Astrodome.
Halos 80 players ang nakipagsapalaran upang mapasama sa koponan. Si coach Ronilo Aro ang tumatayong head coach ng team, at tumulong ding pumili si team manager Roy Pedrelejos. Team owner Pastor Dr. Joel Apolinario. Sa 80 players ay bumaba sa 15 hanggang 20 na lang ang tutungo ngayon sa GenSan.
Masayang kuwento ni coach Aro, excited sila sa pagkakasali ng Sarangani sa liga, lalo na si Pastor Apolinario. Apat na home-growns ang kanilang kukunin, ang iba ay mula sa Manila. Magpapa-tryout pa sila sa apat na lugar para kumuha ng kanilang home-grown. May ilang araw na lamang ang Sarangani para makabuo ng team. Tingin ko naman ay kayang-kaya nila ito, lalo na’t hang-gang ngayong araw ang pagsusumite ng lineup, at sa June 12, Miyerkoles, pa ang opening ng MPBL sa MOA Arena, alas-4 ng hapon.
oOo
Natutuwa naman ako sa magkapatid na Carlo at Joeboy Escalambre na very supportive sa isa’t isa. Kahapon sa tryout ng Saran-gani ay sinamahan ni Carlo ang kanyang kuya Joeboy sa practice, mula umpisa hanggang katapusan. Isa sa mga nakuha sa tryout si Joeboy at kasama ito na tutungo ngayong araw sa GenSan. Hoping na makapirman na si Escalambre sa Sarangani. Kasi si Carlo ay nasa kampo na ng Caloocan Victory Liner Supremos. Maganda ang ipinakita ni Joeboy sa tryout kaya sa 80 na basketbolista, napa-bilang siya sa 15 hanggang 20 na napili. To Joeboy, good luck!
Sinabi naman ni head coach Aro na sure ball na mapapasama si Escalambre sa lineup ng Sarangani.
oOo
Sino kaya itong coach na ito na ang husay kumuha ng sponsors at magaling ding mangomisiyon? Katunayan, marami na siyang naipundar at nakabibilib ang sipag niya. Kaya nga puwedeng-puwede ito na maging marketing head. In fairness sa kanya ay mga kaibigan niya ang nakukuha niyang sponsors sa kanyang team. Ang hindi lang maganda kay coach, tsika sa akin, ang winning bonuses ay hindi naibibigay sa mga player niya. Minsan ay naibibigay pero may cut na.
Grabe, ‘di ba dapat, ang kay Pedro ay kay Pedro?