SARI-SARING PAG-ASA PROGRAM NI CAYETANO NAKA-6K BENEFICIARIES NA

Alan Peter Cayetano

UMABOT na sa halos 6,000 benepisyaryo ang natulungan ng programang “Sari-saring Pag-asa” ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Sabado, ika-13 ng Nobyembre.

Ang Sari-Saring Pag-saa ni Cayetano ay nagbibigay puhunan sa mga maliliit na tindahan na iginupo ng COVID-19 sa buong bansa.

Ito ay makaraang 100 sari-sari store owners ang tumanggap ng tig-P3,500 sa ilalim ng Sari-Saring Pag-asa program kaya umabot sa na 5,937 ang kabuuang benepisyaryo nito.

Ang 60 sa mga benepisyaryo ay nagmula sa Laoag City (Ilocos Norte), Urbiztondo (Pangasinan), at San Fernando City (La Union). Ang natitirang 40 ay online beneficiaries.

Kaya naman buo ang pasasalamat at suporta ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Farinas sa nasabing programa. “Talaga naman po dito marami ang ating kababayan na naapektuhan dahil sa pandemya, marami ang establishments na nagsara,” sabi niya.

Maging si Pangasinan 5th District Rep. Ramon Guico III at ang kanyang kabiyak na si Maan Tuazon Guico ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Cayetano dahil sa tulong na inaabot ng programa sa mga small business owner.

“Kasama po ang aking asawa na si Cong. Ramon Guico III, kami po ay nagpapasalamat kay former Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang programang Sari-Saring Pag-asa. Maraming-maraming salamat po ulit sa inyong programa at tulong para sa mga Pangasinense,” sabi niya.

“Napakaganda po nitong programa ni Senator Alan Peter Cayetano, itong Sari-Saring Pag-asa, dahil nga po ngayong pandemya, talagang ang pamilyang Pilipino po, marami po talaga ang nahihirapan, and karamihan po sa atin ay nawalan ng trabaho, nasa bahay lang po, and isa sa mga oportunidad na pagkakakitaan po ay ang sari-sari store,” sinabi naman ni San Fernando City, La Union Vice Mayor Alfredo Pablo Ortega.

Layunin ng Sari-Saring Pag-asa program na magbigay ng dagdag-puhunan sa mga sari-sari store owners na naapektuhan ng pandemya. Hinihikayat ng programa na gamitin nila ang P3,500 para ma-restock ang kani-kanilang mga tindahan para makatulong ito hindi lang sa kanila, kund para sa ekonomiya na rin.

Bukod  sa Ilocandia at Northern Luzon, nakarating na rin ang tulong ng Sari-Saring Pag-asa ni Cayetano sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, Mindanao at NCR. Kabilang na rito ang Baguio, Bulacan, Pampanga, Zambales, Cavite, Laguna, Batangas, Cebu, Iloilo, Bacolod, Leyte at Samar at maging sa maraming lugar sa Mindanao gaya ng Davao, Zamboanga, Cagayan De Oro, BARMM, Gen. Santos at marami pang iba.