BULACAN- MASUWERTENG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang Bise Alkalde at 3 nitong anak nang hindi sumabog ang dalawang granada na inihagis ng riding in tandem sa kanyang sasakyan sa Brgy, San Vicente sa bayan ng San Miguel sa lalawigan ito kahapon ng tanghali.
Ayon kay Vice Mayor Bong Alvarez, dadalo siya ng Session sa pamahalaang bayan nang maganap ang insidente kung saan dinikitan ang kanyang sasakyan ng riding in tandem ganap na alas-12:21 ng kamakalawa ng tanghali.
Aniya, idinikit ng mga suspek ang granada na umano’y nakabalot ng magnet sa kanyang sasakyan subalit nahulog ito pero hindi sumabog, kung saan nakasakay din ang kanyang 3 anak.
Makalipas ang ilang minuto muling bumuntot ang mga suspek sa kanyang sasakyan at naghagis muli ng granada subalit hindi rin ito sumabog.
Dahil dito, masama ang loob ng Bise Alkalde dahil hindi sya kinausap o inimbistigahan man lamang ng mga pulis sa pangyayari.
Sa halip naglabas ng spot report ang hepe ng pulisya na si Lt Col Protacio-ll, nakasaad lamang sa report nito na “alledged throwing of hand grenade” na taliwas sa totoong nangyari.
Matatandaang taong 2012 nang unang tambangan ang Bise Alkalde na ikinamatay ng dalawa nitong tauhan.
Labis ang pagkadismaya ng Bise Alkalde sa mabagal at hindi tamang aksyon ng mga pulis sa kanilang bayan. THONY ARCENAL