Saso, Pagdanganan opisyal nang pasok sa Tokyo Olympics

KAPWA nagpahatid ng pagbati at pagkilala ang Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB) sa pagkuwalipika nina Filipina golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo 23.

Sa opisyal na pahayag ng International Golf Federation (IGF) nitong Martes, kapwa pasok sa Final 60 cut ang dalawa na kapwa aktibo sa professional golf tour na Women’s  Professional Golf Association (WPGA).

“Congratulations Yuka Saso and Bianca Pagdanganan for qualifying to the Tokyo Olympics. Ipagmalaki ang #GalingngAtletangPilipino,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ang PSC ang gumagabay sa mga atletang Pinoy na sumasabak sa Olympics at iba pang amateur international tournament, kabilang ang Asian Games kung saan magkasama sina Saso at Pagdanganan na nagkampeon sa team competition sa 2018 edition. Nagwagi rin si Saso ng gintong medalya sa individual event, habang bronze si Pagdanganan.

Bilang professional, nasa pagtataguyod ng GAB ang pagsabak ng dalawa sa local at international competition.

“Nagagalak po kami at nadagdagan ang ating pro golfers na nakapasok sa Olympics. Ikinararangal po kayo ng sambayanan at kasama kami sa dalangin ng bayan para sa inyong tagumpay,” sambit ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Sa pinakabagong world ranking, nakuha ng 21-anyos na si Saso ang No.9 matapos ang matagumpay na kampanya sa U.S. Women’s Open championship – isa sa apat na major tournament sa golf – habang nakapasok sa final cut si Pagdanganan bilang No.42 rank sa kabila ng malamyang kampanya sa WPGA.

Nauna rito, nagkuwalipika si Pagunsan sa men’s competition bilang No.49 sa ranking. Malaking puntos ang nakuha ng 43-anyos na Philippine No.1 golfer sa pagkapanalo sa Mizuno Open ng Japan Golf Tour nitong Mayo.

Ayon kay Oliver Gan, golf consultant ng GAB, kumpiyansa ang Filipino golfers sa kanilang kampanya sa Olympics at ang nakamit na tagumpay kamakailan nina Saso at Pagunsan sa major competition ay tapik sa balikat para sa kampanya ng bansa sa quadrennial meet.

“We have a pretty good chance,” sabi ni Gan.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon mula nang ibalik ang golf bilang regular sports sa Olympics noong 2016 Games sa Brazil, na may kinatawan ang bansa. Sina Migbuel Tabuena at Angelo Que ang sumabak para sa Filipinas sa Rio de Janeiro.

Dahil dito ay umakyat na sa 17 ang bilang ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics.

Bukod sa tatlo, kabilang din sa Philippine delegation sa Tokyo sina EJ Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz and Elreen Ando (weightlifting), Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Nesthy Petecio (boxing).

Ang iba pang Pinoy Olympians ay sina  Cris Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), Margielyn Didal (skateboarding), Jayson Valdez (shooting), Kiyomi Watanabe (judo) at Kristina Knott (track and field). EDWIN ROLLON

74 thoughts on “Saso, Pagdanganan opisyal nang pasok sa Tokyo Olympics”

  1. 724481 752042This style is steller! You naturally know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Wonderful job. I actually enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 498597

  2. 204860 361372Hello I found the Free Simple Shopping Icons Download | Design, Tech and Internet post really intriguing therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the wonderful job:) 298994

  3. 730249 427252I discovered your blog internet site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the extremely good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far far more on your part down the road! 853362

Comments are closed.