SAUDI ARABIA KAILANGAN NG 1,000 FILIPINO NURSES

INIHAYAG  ng Philippine Overseas Employment Adminsitration  (POEA) na may opening para sa isang libong registered nurse ang bansang Saudi Arabia.

Ayon sa pahayag ng Ministry of Health ng Saudi Arabia, partikular na hinahanap ng kanilang bansa ang mga babaeng nurse specialists.

Nilinaw ng POEA na bukod sa Nursing degree, kinakailangan na may lisensya mula sa Professional Regular Commission (PRC) ang isang aplikante at may isang taong work experience, ay pangunahing requirement na hinihingi ng Ministry of Health ng Saudi Arabi.

Entitled ang mga matatangap na nurse ng libreng pagkain, accommodation at taunang paid vacation leave.

Paalala ng POEA kailangan munang magparehistro ang mga apliknate  sa website ng Philippine Overseas Employment Administration   at magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng POEA sa Mandaluyong City. VERLIN RUIZ

Comments are closed.