IPINAHAYAG ng Philippines Sports Commission (PSC) na nagpadala ng email ang abogado ni EJ Obiena hinggil sa pag- atras ng pole vaulter sa PSC mediation.
Sayang, ito sana ang reresolba sa gusot na kinasasangkutan ni Obiena at ng Patafa. Kaya pansamantala munang naka- hold ang mediation.
Iniulat din ng PSC na nagpadala na sa kanila ng liquidation report si Obiena na sinusuri ngayon ng PSC accounting office.
Nasa unrestricted free agent na ngayon si Aljon Mariano ng Brgy. Ginebra. May pagkakataon na ang player na mamili ng gusto niyang paglaruan.
Knowing Mariano na mahal na mahal ang Gin Kings kahit pa nagkaroon sila ng kaunting gusot ng kaibigang si Scottie, mas gugustuhin ng dating UST player na manatili sa kampo ng Ginebra .
Magandang balita naman ito para sa fans ni Stanley Pringle. Posibleng makahabol ang Fil-Am player sa PBA Governors’ Cup para makatulong sa Brgy. Ginebra. Kamakailan ay naoperahan ang player dahil sa kanyang injury sa kaliwang tuhod na matagal na niyang iniinda.
Mabilis ang recovery ni Pringle sa injury.nito. Katunayan ay nakakalakad na siyang mag-isa. Malamang pagkatapos ng dalawang linggo ay puwede na siyang tumakbo takbo kapag binigyan na ito ng go signal ng kanyang doktor.
Pumanig ang panahon kay Stan, kung saan nahinto ang mga laro ng PBA dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. By 2nd week ng February ay inaasahang magre-resume na ang PBA na gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Sa totoo lang kaya tumatagal ang paggaling ng Isang player ay nasa utak lang ito. Iba si Pringle, mabilis ang recovery niya dahil gusto niyang makapaglaro agad. Malakas ang katawan na nilalabanan ang sakit.