SAYANG NAMAN!

on the spot- pilipino mirror

NAKAKAAWA rin itong si Sean Anthony ng NorthPort Batang Pier. Dalawang sunod nang natatalo ang Batang Pier dahil sa kanya. Una, laban sa Phoenix Pulse Fuel Masters na dapat ay ipinuntos ang 3 points na inihagis niya. Subalit sa kasamaang-palad ay tinawagan pa si Anthony ng offensive foul kay Justine Chua ng Phoenix. Nanalo ang mga player ni coach Louie Alas na ikinaasar ni Gov. Eric Arejola para sugurin ang referee na si Noy Guevarra. Sinuspinde ni Commissioner Willie Marcial ang natur-ang referee dahil sa maling tawag nito.

Last Friday naman ay muling naging controversial ang pagkatalo ng NorthPort at muli ay si Anthony ang may sala laban naman sa Meralco Bolts sa  double overtime pa. Nakawala sa kanya ang bola na dapat ay jump ball. Grabe ang  dalawang sunod na palpak ng player. Pero matindi pa rin ang kumpiyansa sa sarili, na pagkatapos umano ng dalawang sunod na pagkatalo ng team ay magmo- move on na daw sila. Mayroon pa silang natitirang apat na laro na dapat nilang pagtuunan ng pansin. Sabagay,  tama naman ang Fil-Am player, kaysa magmukmok sila at isipin nang isipin ang dalawang games na dapat sana ay  panalo na, natalo pa. Maganda na-man ang attitude ni Anthony na ‘di nagpapaapekto sa pagkatalo ng team. Bagkus ay mataas pa rin ang morale niya para sa team at sa teammates niya, higit sa lahat sa kanyang sarili. Good job, Sean.

oOo

Nakausap namin si JC Intal hinggil sa kaliwang kamay niya na naka-cast. Ayon kay Intal, two weeks pa ang kailangn bago siya makabalik sa paglalaro. Nami- miss na nga raw niya ang maglaro para makatulong sa team, lalo na’t ang Phoenix ay may 8-1 karta-da at nangunguna sa kasalukuyan. Panay na lang ang pagtsi-cheer ni Intal sa kapwa players niya na naglalaro. Dalawa na rin ang anak niya sa TV host/actress na si Bianca Gonzales na kapwa babae. Kaya nga very inspired ang mama sa kanyang career. Get well soon, JC.

oOo

Marami pang humahabol para sa BATANG PBA BASKETBALL CLINIC. Tapos na kasi ang pagpapa-register para sa Batang PBA noong March 4, na gagawin sa UP Diliman Gym. Tsika namin, marami ang nagpa-register at marami pa ngang humahabol. Tulad ng naisulat namin, limited lang ang slots para sa 9 to 11 at 12 to 15 yrs old. Excited na ang mga batang nagparehistro para sa Batang PBA.  Siyempre, napasama ang anak ko na 11 yrs old. First time niyang makasali sa basketball clinic ng PBA. Good luck sa lahat.

oOo

Suplado ang player na ito. Akala pa naman namin ay mabait siya. Hindi naman siya kagalingan maglaro. Kapag sinuwerte, suwerte lang pero hindi siya mahusay at ‘di puwedeng asahan ng team. Ni hindi nga marunong mag-smile ang Fil- Canadian player. Feeling magaling, dati favorite namin siya pero ngayon isinusuka na namin siya. ‘Yun lang.

Comments are closed.