MAYROONG pitong bihag pa rin ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo at sinabing ang mga bihag ay isang Vietnamese, tatlong Indonesian at tatlong Pinoy.
Pahayag ni Arevalo nagpapatuloy ang kanilang rescue operations para mailigtas ng buhay ang mga kidnap victims.
May natatanggap umano silang ulat na nanghihingi ng ransom ang mga Abu sayyaf sa pamilya ng Vietnamese at tatlong Indonesian nationals.
Kaugnay nito kinumpirma ni Arevalo na tuloy tuloy na nababawasan ang puwersa ng ASG dahil sa walang patid na military operation.
Sa katunayan, simula Enero 1 hanggang Nobyembre 20, 2019 aabot na sa 161 ASG ang kanilang na-neutralized.
Sa bilang na ito, 79 ang sumuko, 59 patay at 23 ang naaresto.
Nakumpiska sa mga ito, ang 135 na high powered firearms at 18 iba pang armas.
Nakuha rin sa mga mga na-neutralized na abu sayyaf ang 69 na improvised explosive device (IED) at 13 kampo ng ASG ang nakubkob. REA SARMIENTO
Comments are closed.