HINDI na maaaring magtalaga ang punong mahistrado ng Korte Suprema ng mga ranking administrative official.
Sa ipinalabas na resolusyon ng Supreme Court (SC) noong nakalipas na linggo, wala umanong kapangyarihan ang Chief Justice na mag-appoint ng administrative official na may judicial ranks.
Ito umano ang isa sa mga isyung ipinukol noon sa pinatalsik na dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, matapos nitong italaga si dating Philippine Judicial Academy (Philja) official Brenda Mendoza noong 2016.
Sa inisyung internal memorandum noong Hulyo, 2017 ng ngayon ay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro, sinabi nito na na-bypass ni Sereno ang mga kasamahang Mahistrado.
Kinatigan naman ng mga Mahistrado ang argumento ni De Castro na ang buong SC lamang ang puwedeng magtalaga ng judicial position na may salary Grade 29 pataas at ang posisyon ni Mendoza ay salary grade 30.
“This court’s nature as a collegial body requires that the appointing power be exercised by the court en banc consistent with Article VIII, Section 1 of the Constitution,” nakasaad pa sa resolusyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.