SA KABILA nang nararanasang pandemya dulot ng COVID-19, hindi naging hadlang at nagpapatuloy ang scholarship program subsidy ng National Press Club sa mga anak ng mga maralitang miyembro nito.
Sa idinaos na simpleng seremonya, ipinagkaloob ng NPC ang tatlong semestreng scholarship fund para sa 13 estuduyante na pawang mga nasa kolehiyo.
Apat sa mga scholars ay tumanggap ng ₱15,000 bawat isa, mayroon ding tig-sampung libong piso habang ang mga bagong scholar ay tumanggap ng limang libong piso.
Hinikayat ni NPC President Paul Gutierrez ang mga estudyante na pagbutihin ang pag-aaral at sikaping makapasa.
Sinabi ni Gutierrez na walang mataas na grade requirement na itinatakda sa bawat scholar kundi ang maipasa lamang ang kanilang kurso.
Paalala ni Gutierrez na sa sandaling magkaroon ng failing grades ang isang scholar ay matatanggalan ito ng subsidiya.
Kaugnay nito, lubos namang nagpasalamat ang NPC sa ACT-CIS Partylist at kay TV broadcaster Erwin Tulfo sa pagbibigay nito ng tulong pinansiyal sa NPC upang mapondohan ang subsidiya para sa mga naturang estudyante.
Nabatid kay Gutierrez na ipagpapatuloy ng ACT-CIS Partylist at Tulfo ang pagtulong sa naturang programa ng NPC hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo ang 13 estudyante.
Samantala, inanunsiyo ni Gutierrez na bukas na ang pagtanggap ng NPC sa mga application para sa panibagong scholarship/subsidy ngayong taon. BENEDICT ABAYGAR
33983 554622This site is truly a walk-through for all of the info you wanted about it and didnt know who to question. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 493560
255450 214110This is a terrific web page, could you be involved in doing an interview about just how you developed it? If so e-mail me! 565673
433613 202066very nice put up, i certainly really like this web internet site, carry on it 616645