SCHOOL PRINCIPAL, MISIS NASAGASAAN

nasagasaan

ILOILO – DEAD on the spot ang isang school principal at asawa nitong guro matapos masagasaan ng sports car sa Diversion Road, Mandurriao, Iloilo City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Joe Marie Osano na principal ng La Paz II Elementary School at asawa nito na si Alnie Dinah Osano na nagtuturo sa Ticud Ele­mentary School sa nasabing lungsod.

Tumatawid sa pedestrian lane ang mga biktima nang biglang nabundol ng humaharurot na sports car na minamaneho ng isang alyas June Paul, 30-anyos na nakabase sa Estados Unidos.

Ayon sa testigo, dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan ay tumilapon paibabaw ng ilang metro ang babaeng biktima samantalang nagkapunit-punit naman ang damit ng lalaki.

Sumuko naman sa mga awtoridad si June na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.