SCHOOLS SA NAGCARLAN HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG KLASE

module

LAGUNA – NAMAHAGI ng module ang mga guro sa mga magulang ng mga estudyante ng Kanluran Kabubuhayan Elementary School sa bayan ng Nagcarlan kasunod ang isinagawang disinfection sa gusali bilang paghahanda ng mga ito ng pormal na pagsisimula ng klase sa dara­ting na araw ng Lunes.

Katuwang sa isinagawang disinfection ang pamunuan ng barangay para sa seguridad ng mga estudyante at mga guro.

Ayon kay Kanluran Kabubuhayan Elementary School Extension Principal Diosdado de la Cruz, mapalad sila dahil sa ipinagkaloob na xerox machine ni Nagcarlan Municipal Mayor Odie Alcasetas para magamit sa pag-aayos ng mga modules.

Sa Nagcarlan Senior High School naman na pinamunuan ni Assistant Principal 2 Emmanuel Pabale, sinabi nito na ang mga magulang na ang pumu-punta sa eskwelahan para kunin ang module.

Ang pamunuan ng barangay ang magdadala sa paaralan ng mga natapos ng modules na siyang kukunin naman ng mga magulang.

“Suporta mula sa mga magulang ang kaila­ngan sa pag-aaral ngayon ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng Modular Distance Learning dahil ang financial at material support ay nagmula sa DepEd, ” giit ni Pabale.

Sa bahagi naman ng mga enrollees, tumaas pa rin bilang nito sa kabila ng pandemya. DICK GARAY

Comments are closed.