SCWC DUGONG MASON PANGSALBA NG BUHAY

blood donation

NAGING matagumpay ang bloodletting ng SCWC Dugong Mason sa Plaridel Masonic Temple, MWGLP, Manila noong Sabado, Nobyembre 28.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Ku­yang Roy Castronuevo, national chairman ng SCWC Dugong Mason ng Magtagumpay Lodge No.410; Kuyang Ricky Tan Khoo, SCWC Dugong Mason Vice Chairman ng Montalban Lodge No.376; Kuyang Feliciano “Jojo” Narciso, SCWC-Konek Chairman ng Unang Sigaw Masonic Lodge No.430; Kuyang Edgar Abalos Cook, Vice Chairman SCWC-Konek at Kuyang Atty. Gerard Raymund R. Teruel ng Labong Lodge No. 59.

Ayon kay Kuyang Ricky, ito na ang ika-limang nasabing aktibidad mula nang magsimula ang COVID-19 pande­mic o simula ng quarantine.

Paliwanag naman ni Kuyang Roy, layunin ng kanilang gawain na matulungan ang mga nangangailangan ng dugo para maisalba ang kanilang buhay.

Ayon naman kay Kuyang Gerard, walang pinipili ang kanilang tinutulungan dahil adbokasiya nila bilang miyembro ng Grand Lodge of Free and Accepted Mason of the Philippines ang tumulong sa mga nangangailangan.

Pinasalamatan naman ni Kuyang Ricky Khoo ang mga katuwang nila para maging matagumpay ang bloodletting at bloodbanking gaya ng kanilang media partners na PILIPINO Mirror, CNN Philippines, Business Mirror, DWIX 882AM, Home 97.9; RPN9. Philippines Graphic.

Nagpasalamat din ang SCWC sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang indibiduwal na lumahok sa nasabing aktibidad.

“Masonic Relief through Blood donation. is a Bloodletting and a Bloodbanking Advocacy that is  coordinating, facilitating & extending our cabletow to save the lives of our distressed fellowmen for the last 8 years. There is a minimum of 1-3 blood requirement per week coming from our community &  which is being aided by the advocacy of Dugong Mason for FREE. That’s why we have continuous monthly bloodletting activities nationwide with the joint partnership & support of different Masonic Districts, Lodges & clubs. Pls Support our Advocacy. Thanks po,” pahayag ng grupo. EUNICE C

Comments are closed.