SEA GAMES BASKETBALL SA FILOIL FLYING V CENTRE

SEA GAMES

SA FILOIL Flying V Centre na idaraos ang basketball competition ng 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa N­obyembre sa halip na sa naunang panukalang malaking venue na MOA Arena.

Sa isang panayam sa radyo ay sinabi ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chief Operation Officer Tats Suzara na ang San Juan venue ay bahagi ng kanilang contingency plan.

“In any multi-sport event talagang ganyan ang proseso especially when the venues are private owned. The challenge here is in Metro Manila kasi alam mo naman ang mga venue dito sa Manila ay Smart Araneta and MOA Arena are big venues na mahirap kuhanin,” wika ni  Suzara.

“Again sanay naman tayo sa sports sa backup plan so we were able to find solutions. As an update basketball will now be in FilOil Arena,” dagdag pa niya.

Ang 5,500-capa­city arena ang magiging host sa 5-on-5 basketball tournament para sa men’s at women’s divisions. Ito ang venue ng UAAP, NCAA, PBA at iba pang basketball leagues at nagsisilbing arena para sa volleyball tournaments.

Nakuha ng Filipinas ang huling 12 men’s basketball gold medals sa  biennial meet, kung saan naghari ang mga Pinoy sa 17 sa 19 editions ng  event.

Samantala, ang volleyball ay gaganapin naman sa PhilSports Arena.

Bukod sa basketball at volleyball ay nagbigay rin si Suzara ng update sa pagbabago ng venue sa iba pang sports.

“The gymnastics will be in Rizal Coliseum sa gymnastics area nila. We will also request to use the badminton area sa gymnas-tics,” ani Suzara.

Lalaruin naman ang billiards sa Manila Hotel tent habang kasaluku­yang  itinatayo ang mga venue para sa skateboard at cycling sa Tagaytay.

Comments are closed.