SEAG: 2 GINTO TARGET NG PH BOWLERS

PH bowlers

NANGAKO ang national bowlers na gagawin nila ang lahat para makasungkit ng ginto sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Philippine Bowling Federation (PBF) secretary general Bong Coo, puntirya nila ang hindi bababa sa dalawang gold medals sa presti-hiyosong biennial meet na gaganapin sa December 3-8 sa Coronado Lanes sa loob ng Starmall sa Mandaluyong City.

Isang legendary bowler na kilala sa pagwawagi ng anim na gold medals sa unang hosting ng bansa sa Games noong 1981, si Coo ay umaasa kina veterans Liza del Rosario at Frederick Ong, gayundin kay Merwin Tan.

Si Del Rosario ay may dalawang dekada nang sumasabak sa international tournaments habang si Ong ang huling player na nanalo ng gold medal sa SEA Games makaraang pagharian ang men’s singles event ng 26th SEA Games sa Indonesia noong 2011.

Samantala, ang 19-anyos na si Tan ay Asian youth champion at inaasahang bibigyan ng magandang laban ang mga kegler mula sa powerhouse countries tulad ng Singapore at Malaysia.

Ang iba pang bumubuo sa koponan ay sina Patrick Nuqui, Kenneth Chua, Lara Posadas-Wong, Alexis Sy at Bea Hernandez.

“We’re not promising anything, but we will surely give other teams a very good fight,” ani Coo,  na ang tropa ay sumailalim sa matinding international buildup sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng PBF, sa pamumuno nina Sen. Tito Sotto at president Steve Robles.

“What we have is a solid and fighting team that is capable of winning at least two gold medals.”

Sinabi ni Coo na ang paglalaro sa kanilang home floor ay hindi magiging salik sa torneo.

“Bowling is an immeasurable sport. A lot of factors would be in play once the tournament started,” ani Coo, itinuturing na greatest Filipino bowler of all time, kasama si Paeng Nepomuceno.

“Playing at home could even be a disadvantage as players tend to get conscious and nervous. But our team is ready. They have trained hard and long enough to brush off distractions and focus on winning the gold.” CLYDE MARIANO

Comments are closed.