MULA sa pagwawagi sa beauty pageants at pangingibabaw sa 2018 Asian Games Invitational Tournament sa Indonesia bago ang Asiad ay malayo na ang narating ni Jakarta-Palembang Asian Games pencak silat bronze medalist Cherry May Regalado.
Subalit may isang tagumpay na nais pa rin niyang matamo – ang magwagi ng gold medal sa Southeast Asian Games.
“Hindi ko napigilan ang pag-iyak noong 2017 SEA Games (in Kuala Lumpur) kasi po alam ko na magkaka-medal ako,” wika ni Regalado, na pumang-apat sa Malaysia Games. “Hindi po ako nag-give up at sinabi ko po sa sarili ko na patutunayan ko sa kanila na nagkamali sila ng judging.”
Ang 24-anyos na Nutrition Course graduate sa Aklan State University sa Banga, Aklan ay isa sa mga paborito na mananalo ng gold sa Kuala Lumpur Games, at naniniwala siyang ang kanyang ipinakita sa Kuala Lumpur ay sapat para makuha ang pencak silat title.
Matapos ang kabiguan sa 2017 Southeast Asian Games ay bumawi si Regalado sa 18th Asian Games kung saan pumangatlo siya sa Women’s Seri Singles Finals ng Pencak Silat competition sa Padepokan Pencak Silat TM III sa Jakarta.
“Alam ko po na marami pang pagkakataon na ibibigay sakin. Tiwala lang po sa sarili,” aniya.
Ang pagkakataong ito ay nakikita niya sa nalalapit na biennial meet, na iho-host ng Filipinas sa Nov. 30-Dec. 11.
“As of now, we are almost in the finishing touches of our routines. Maintaining the endurance, stability and proving the speed and power,” wika ng dating beauty pageant winner na marahil ay nahaharap sa pinakamabigat na hamon sa kanyang buhay.
“In my case, I’m also dealing with a knee injury. This is the greatest challenge that I have to face everyday. How I’m gonna perform and improve myself without making my injury worse. But I just always tell myself not to lose hope and never ever give up, a few more steps and ‘Inshallah’, I will take the gold medal as my comeback statement,’” pangako ni Regalado.
Sinabi ng 2018 Asian Games Invitational Tournament gold medallist na ang pinakamabigat niyang makakalaban sa SEAG ay magmumula sa Indonesia at Singapore.
“But I know this time, all countries have prepared hard, too,” aniya.“We are all expecting to break our previous record of one gold medal last SEA Games. Of course, more than one is better. With the help of my team, my NSA (Philsilat Association), my coaches and the Philippine Sports Commission, nothing is impossible.”
Comments are closed.