WINALIS ng PH men’s national team ang Timor Leste, 2-0, sa kanilang opening day tie sa 30th Southeast Asian Games men’s beach volleyball competition kahapon sa converted Subic Bay Tennis Court.
Sinimulan nina Jaron Requinton at James Buytrago ang atake ng mga Pinoy sa pamamagitan ng 21-16, 21-13 panalo laban kina Jean Christian Da Silva at Xavier Fernandes sa una sa best-of-3 team duel.
Hindi nagpadaig sina Edmar Bonono at Jude Garcia at sinundan ang tagumpay ng kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng 21-7, 21-16 pagbasura kina Denyanus Belo at Aduano Da Silva para sa shutout victory.
Makakasagupa ng mga Pinoy ang Malaysia sa Linggo.
Samantala, makakaharap ng Pinay tandem nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, at Dzi Gervacio at Dij Rodriguez ang Indonesia sa afternoon session.
Comments are closed.