QUEZON CITY -NEGATIBO na sa coronavirus disease (COVID-19) si Interior Secretary Eduardo Año na ngayon ay nananatiling naka-self quarantine.
Ayon sa kalihim, noong Marso 27 ay sumailalim siya sa COVID-19 test sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nakuha niya ang resulta noomg Marso 31 na isa siyang positibo sa naturang sakit.
Kasunod niyon ay nag-self quarantine ang kalihim at nanawagan sa nakasalamuha na magpasuri na rin.
Kahapon ay iniulat ni Año na nagnegatibo na siya sa coronavirus makaraan ang muling magpasuri noong Abril 8.
“Nag-negative na test ko sa RITM, I received it today. I was tested last April 8,” ayon sa kalihim.
Gayunman, nilinaw ni Año na mananatili siya sa quarantine hanggang makompleto ang 14 days.
“Kontng days for quarantine pa as part of the protocol just to be safe,” ayon pa sa text message ni Ano. EUNICE C.
Comments are closed.