BUMUBUO ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng isang opisina na tututok sa lending companies bilang bahagi ng crackdown nito laban sa mga ilegal at abusadong lender, ayon sa Department of Finance (DOF).
“We are also creating a Financing and Lending Companies Division within the SEC to focus exclusively on the regulation and monitoring of these entities,” wika ni SEC Chairman Emilio Aquino sa isang report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Nauna nang inatasan ni Dominguez si Aquino na paigtingin ang kampanya ng SEC kontra ilegal at abusadong lending companies, karamihan sa mga ito ay naniningil ng napakataas na interest rates.
Ayon kay Aquino, tututukan ng SEC ang mga abusadong lending companies kasunod ng mga reklamo na tinatakot o iniinsulto ng ilang kompanya ang mga borrower.
“The regulator has an online team that “conducts regular sweeping operations, monitors all complaints, and goes through the different social media platforms to check on possible abusive or illegal lending practices,” sabi ni Aquino.
Ayon sa SEC, kinansela nito ang registration ng 2,081 firms at naipakulong ang 76 indibidwal sa 8 kaso dahil sa paglabag sa Lending Company Regulation Act.