SECURITY WARNING PARA SA OFW SA LIBYA

bomb attack

PASAY CITY – PINAALALAHANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) laban sa suicide bomb attack kaya naglabas ng security warning.

Kasunod ito ng pag-atake ng suicide bomber sa Libyan Ministry of Foreign Affairs kamakailan.

Pinayuhan ang mga Filipino na manatiling mapagbantay at iwasan ang kakaibang mga kilos ng grupo.

Sa nasabing pag-atake, tatlo katao ang nasawi habang pitong iba pa ang sugatan.

Sinabi ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Mardomel Melicor na tatlo katao ang sangkot sa pag-atake.

Sa record, mahigit 2,000 ang mga Filipino sa Libya. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.