SEGURIDAD SA MGA PANTALAN AT PALIPARAN MAS PINAIGTING

PCG

MAS pinaigting pa ng mga awtoridad ang ipatutupad na seguridad sa mga pantalan at paliparan.

Ito ay kasabay ng patuloy na pagdagsa ng mga pasahero na magsisi-uwian sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong holiday season.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mas mahigpit  ang kanilang ipinapatupad na seguridad kung saan nakakalat na ang kanilang mga tauhan sa iba’t-ibang mga pantalan dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga biyahero.

Kasabay nito, sinabi ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo na umaasa pa sila na dumami pa sa mga susunod na araw ang bilang ng mga pasahero.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy rin ang pagdami ng mga naitatalang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaya’t  pinaigting din ang ipinatutupad na seguridad ng mga airport security. DWIZ 882