SEKYU SUGATAN SA SARILING BARIL

baril

MALABON CITY – SUGATAN ang isang security guard nang aksidenteng pumutok ang service firearm na tinurn-over ng kanyang karelyebong sekyu sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa magkabilang hita si Filjun Buhain, 28-anyos, residente ng Block 5 Lot 23, Phase 2, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Jose Romeo Germinal II, bandang alas-9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Fisher Mall sa C-4 Road, Brgy. Longos, Malabon.

Nabatid na itinurn-over ng security guard na si Prudencio Bucasas Jr., 21-anyos ng Phase 1, Barangay NBBS, Navotas City ang kanilang service firearm sa biktima na kanyang karel­yebo nang aksidente itong pumutok.

Tinamaan sa magkabilang hita ang biktima na agad namang isinugod sa Ospital ng Malabon. VICK TANES

Comments are closed.