(Ni Cris Galit)
83rd Araw ng Davao ngayon, March 16, 2020. Ito ay sa pamamagitan ng isinampang batas na Commonwealth Act No. 51 ni dating Assemblyman Romualdo C. Quimpo, ang batas na ito ang bubuo para maging Chartered City of Davao na nilagdaan ng noo’y Pangulong Manuel L. Quezon noong October 16, 1936. Dahil dito, pamumunuan ang Lungsod ng Davao ng isang Mayor bilang isang independent city.
Malayo na ang narating ng Davao. Sa katunayan, bukod sa pagiging pinakamalaking lungsod, itinuturing itong “highly-urbanized city” na matatagpuan sa katimugang bahagi ng Filipinas. Ito ay dahil umano sa sama-sama at pagtutulungan ng mga Dabawenyos na siyang dahilan kung bakit ito patuloy na umuunlad sa paglipas ng panahon.
Bilang Capital City, ang lungsod din ang nagsisilbing “gateway” sa buong isla ng Mindanao. Dahil dito, sila ang “entry point” ng mga manggagaling sa Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, at East ASEAN Growth Area at para maging “center of development” sa Mindanao.
AMBAG SA EKONOMIYA NG DAVAO CITY
Nakapagtala ang lungsod ng Davao ng 9.4 Gross Regional Domestic Product (GRDP) noong 2016 na ikatlong pinakamataas sa buong bansa. Mayroon din itong 40,499 bilang ng rehistradong negosyo at nasa mahigit dalawang (2) milyon naman ang turistang naitatala kada taon.
Dito rin naninirahan ang labing isang tribo na labis na ipinagmamalaki ng lungsod at ang iba’t ibang kultura at tradisyon, subalit nagkakaisa at mayroong paggalang sa bawat isa. Kabilang sa mga ito ay ang Maranao, Tausug, Maguindanaon, Iranun, Sama, Ata, Kagan, Tagabawa, Ovu-Manuvo, Matigsalog, at Klata-Guiangan.
DAVAO CITY IS UNDER PARTIAL LOCKDOWN
Bago pa man ang mismong araw ng Davao, naunang nang ipinag-utos ni Mayor Sara Z. Duterte ang pagpapatigil ng mga aktibidad base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) dahil sa banta ng coronavirus o COVID-19.
Kahapon, nagdeklara si Mayor Inday Sara ng Executive Order No. 11 o Partial Lockdown kalakip ang rules na ito na dapat sundin sa buong lungsod ng Davao.
- All public and private vehicles from Tagum City are prohibited from entering Davao City;
- All vehicles coming from Tagum that will pass through Davao City while enroute to their final destination will be escorted in groups to the border checkpoint where they will exit. This will only be allowed within 24 hours from the effectivity of this EO (valid ID is required for verification);
- After 24 hours from the effectivity of this EO, no vehicles (public or private) that came from Tagum City will be allowed to pass thru Davao City anymore;
- Inspection of IDs of workers working in Davao City but go home outside Davao City will be conducted. Residents of Tagum City who are working in Davao City will not be allowed to enter Davao City;
- Supply chain vehicles/delivery vehicles are allowed entry to Davao City. Driver and helper will be subjected to temperature check. The driver and helper of supply chain vehicles/delivery vehicles are not allowed to leave their vehicles while loading/unloading is being done inside Davao City;
- Emergency vehicles are authorized to pass thru/enter Davao City;
- Road blocks will be established after 24 hours upon effectivity of this EO;
- Passengers and drivers of exempted vehicles will be subjected to temperature checks before entering Davao City;
- Patients needing their dialysis, chemotherapy, rehabilitation, and other similar services of any Davao Hospital must show proof (receipt, doctor’s request, medical certificate, and other proof) of this medical service that they are receiving; and
- Other essential movements not covered in the listed exemptions may be allowed with clearance from the TF COVID Command Center.
SPECIAL NON-WORKING DAY IDINEKLARA
Nauna ng idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na special non-working day ang March 16, 2020 para sa selebrasyon ng Araw ng Davao sa pamamagitan ng Proclamation No. 916 na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan noong March 4, 2020. (source: www.davaocity.gov.ph / FB: City Government of Davao)
Comments are closed.