SELEBRASYON NG SINING: MGA GANAP SA CCP

(Pagpapatuloy…)
Itinutuloy natin ngayon ang pagtatampok sa iba’t-ibang kaganapan sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) na abala na sa paghahanda para sa Pebrero, ang Buwan ng Sining. May mga pahabol na aktibidad ang Enero, at punong-puno ang iskedyul para sa susunod na buwan.

Para sa mga nais pumasok sa mundo ng ballet, magkakaroon ng audition ang Philippine Ballet Theatre para sa kanilang 38th Season.

Gaganapin ang audition sa ika-28 ng Enero sa Step by Step Studio, 3rd Floor East Wing, Estancia Mall, sa ganap na 4:30 n.h. Ang registration ay magsisimula ng 3:30 n.h.

Para sa mga nais sumali sa Company, Junior Company, Apprentices, o Scholars, para sa inyo ang audition na ito. Ang mga babae ay inaanyayahang magsuot ng pink tights, black leotards, at pointe shoes. Ang mga lalaki naman ay black tights at puting pantaas.

Sa ika-9 ng Pebrero, masisiyahan ang mahihilig sa musika sapagkat may konsyerto ang Philippine Philharmonic Orchesta sa Samsung Performing Arts Theater. Guest soloist dito ang Polish na piyanistang si Roustem Saitkoulov at konduktor naman si Maestro Grzegorz Nowak.

Para sa mga katanungan tungkol sa tickets, discounts at suscriptions, pwedeng tumawag sa CCP Box Office sa + 63 931 033 0880, mag-email sa [email protected], o puntahan ang TicketWorld website.

Muli, ilan lamang ito sa maraming aktibidad, palabas, at programa na bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Arts Month sa Pebrero. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga ito upang ipagdiwang ang sining at kultura ng bansa at hayaang manahan ang inspirasyon ng paglikha sa ating mga puso.