SELECTION CRITERIA PARA SA SEAG NATIONAL TEAM ILALABAS NA

ramirez

SINIMULAN ni Chef de Mission at PSC Chairman William Ramirez ang paglikha ng selection criteria sa  national team para sa 2019 Southeast Asian Games noong nakaraang linggo.

“It is important for us to be transparent,” paliwanag ni Ramirez,  at idinagdag na ang pagkakaroon ng selection criteria ay “makatutulong para matiyak na ang isasabak ng bansa ay ang pinakamagagaling dahil ang tagumpay ng Games ay nakasalalay sa ating mga atleta.”

Inabisuhan na ang national sports associations (NSAs) na magsumite ng credentials ng kanilang mga atleta nang sa gayon ay ma­ging handa ang secretariat sa sandaling isapinal ng CDM team ang selection guidelines. Ayon kay Ramirez, umaasa silang maisasapinal ito sa pagtatapos ng linggo.

Samantala, inanunsiyo ng national secreta­riat noong Biyernes ang pagsusumite ng  line-up at credentials kasunod ng serye ng NSA meetings at consultation kina Ramirez at PSC Commissioners Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram at Charles Maxey.

Ayon kay Team ­Philippines Secretariat Head Maria Luisa Ner, ang Philippine Rowing Association at Philippine Skating Union ang mga unang nagsumite ng kanilang line-up, kasama ang credentials ng bawat atleta.

Comments are closed.