MAYNILA – BINAKBAK ng mga tauhan ng Manila Department of Public Safety (DPS) s ang mga itinayong bahay at kubol ng mga informal settlers sa loob ng Manila North Cemetery (MNC).
Ayon kay Roselle Castañeda, ang Officer-in-charge ng Manila North Cemetery, umabot na sa 120 pamilya ang umuukupa o mga informal settlers sa loob ng sementeryo na karamihan ay ginagawa nang tirahan ang mga apartment o nitso ng mga yumao.
Isinagawa ang naturang clearing operation ay bunsod na rin ng reklamo ng ilang mga kaanak ng mga nakalibing sa MNC at dahil na rin sa lumulubong bilang ng mga pamilyang nakatira sa lugar himlayan.
Nabatid na ginawa nang basurahan ang mga puntod at may mga nagkalat ding mga dumi ng tao.
May mga napansin ding mga nagkalat na bungo at kalansay kaya naman puspusan ang paglilinis sa sementeryo bilang paghahanda na rin sa nalalapit na paggunita ng Undas o Araw ng mga Yumao sa Nobyembre 1 at 2.
Hindi lamang ang informal settlers ang nilinis kundi maging ang mga nakasasagabal na illegal vendors sa bangketa ng MNC.
Bago ang clearing operations, tinangka pang pagbabatuhin ng informal settlers ang mga tauhan ng DPS, Civil Security Force (CSF) at MNC na katuwang sa paglilinis sa sementeryo. PAUL ROLDAN
Comments are closed.