Standings W L
NU 11-0
DLSU 8-3
UST 7-4
AdU 6-5
Ateneo 5-5
UP 5-6
FEU 1-10
UE 0-10
Final Four
Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – NU vs UP
12:30 p.m. – FEU vs UST
4 p.m. – DLSU vs UE
6:30 p.m. – Ateneo vs AdU
NAKOPO ng National University ang twice-to-beat semifinals bonus sa UAAP women’s volleyball tournament makaraang maitakas ang 25-20, 25-17, 13-25, 25-13 panalo kontra Adamson kagabi sa Mall of Asia Arena.
Bukod sa ‘consistency’ na lagi niyang itinuturo sa kanyang koponan, ipinaalala ni coach Karl Dimaculangan ang isa sa pangunahing attitude para maipagpatuloy ng Lady Bulldogs ang kanilang perfect run.
“Maturity, ‘yung character ng team doon kami siguro masusubukan,” sabi ni Dimaculangan makaraang iangat ng NU raised ang league-best record nito sa 11-0.
Nagpakawala si Alyssa Solomon ng 20 points, kabilang ang tatlong service aces, nagdagdag si Mhicaela Belen ng 18 points at 11 receptions, habang kumubra si Cess Robles ng 12 points at 6 digs para sa Lady Bulldogs.
Nauna rito, kinailangan ng La Salle na limitahan si Eya Laure upang gapiin ang University of Santo Tomas, 25-23, 25-17, 22-25, 25-8, at kunin ang solo second
Si Laure, ang ‘heart and soul’ ng Tigresses, ay nalimitahan sa career-low 8 points ng matinding depensa ng Lady Spikers.
Ang 23-year old spiker, na ang naunang scoring low ay 11 points sa three-set win ng UST kontra University of the Philippines noong April 20, 2019, ay 8-of-60 mula sa attacks.
Sa kanilang ikatlong sunod na panalo, ang La Salle ay umangat sa 8-3 overall upang palakasin ang kanilang kampanya twice-to-beat bonus sa Final Four o step-ladder format.
Pinatalsik ng Lady Spikers ang Tigresses, na nahulog sa 7-4 sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo, sa ikalawang puwesto, at naiganti ang kanilang five-set defeat sa first round.
“I think ‘yung lumabas sa amin dito is ‘yung more of the consistency ng team following up doon sa mga previous matches namin na na straight sets,” sabi ni La Salle assistant coach Benson Bocboc.
“So far, going up ‘yung mga performance ng mga players and nagkataon ngayon na may lumabas na naman na mga scorers.”
Sa iba pang laro ay dinispatsa ng UP Fighting Maroons ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-10, 25-19, 25-7, upang manatiling buhay ang pag-asa para sa isang puwesto Final Four.