SEMIS SUSUWAGIN NG LADY STAGS

volleyball

Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
12 noon – San Beda vs JRU
2:30 p.m. – SSC-R vs LPU

TARGET ng San Sebastian ang isa sa dalawang nalalabing Final Four berths sa pagsagupa sa Lyceum of the Philippines University sa pagpapatuloy ng NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa Paco Arena.

Para kay coach Roger Gorayeb, mahalaga ang mental toughness para manalo ang Lady Stags at umabante sa susunod na round.

“Eh sabi ko nga sa kanila, siyempre gustong manalo, pero hindi naman puwedeng pumalo ka patay agad. Masyado ka namang magaling tapos kapag hindi na napapatay ‘yung bola, hindi mo na alam ‘yung gagawin mo. Hindi kasi nila nilalaro sa ulo nila eh,” sabi ni Gorayeb makaraang gapiin ng San Sebastian ang San Beda sa limang sets noong Martes.

“Deep inside, umaayaw na sila. Nadi-disappoint sila na hindi naman uubra. Nandoon na lahat ng kailangan to win eh kaso sila, kapag na-discourage ka sa sarili mong laro mahirap na. Pito na ‘yung kalaban mo,” dagdag pa niya.

Umaasa ang Lady Stags na natuto na sa hirap ng kanilang 25-21, 23-25, 30-32, 25-23, 15-13 panalo kontra Lady Red Spikers sa 2:30 p.m. clash kontra Lady Pirates.

May 5-2 record, sisikapin ng San Sebastian na samahan ang unbeaten College of Saint Benilde (8-0) at ang titleholder Arellano University (7-1) sa semifinals.

Sa unang laro sa alas-12 ng tanghali ay haharapin ng Jose Rizal University, na kasama ang LPU ay naghahabol sa Mapua ng kalahating laro para sa huling Final Four slot, ang San Beda