Mga laro ngayon:
Mall of Asia Arena
3 p.m. – Magnolia vs Meralco
6 p.m. – NLEX vs Ginebra
BAKBAKANG umaatikabo ang matutunghayan sa pagsisimula ng best-of-five PBA Governors’ Cup semifinal series ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.
Magsasagupa ang Magnolia at Meralco sa unang laro sa alas-3 ng hapon, na susundan ng salpukan ng NLEX at Ginebra sa alas-6 ng gabi.
Sisikapin ni coach Tim Cone at ng kanyang Gin Kings na mapanatili ang kanilang winning tradition habang target ni coach Yeng Guiao at ng kanyang Road Warriors ang PBA breakthrough.
Balik si Justin Brownlee sa kanyang paboritong playground – ang PBA playoffs – at hangad niyang pangunahan ang Gin Kings sa ika-4 na korona sa huling limang edisyon ng Governors’ Cup.
Determinado naman ang NLEX na hubaran ng korona ang katunggali.
Ang Road Warriors ang underdogs sa serye, ngunit hindi nagrereklamo si Guiao, sa katunayan ay gusto niya ito.
“We focus on our improvement, our progress. We don’t want to focus on Ginebra because the more you worry about them, the more pressure it is for us,” sabj ni Guiao.
Sasandal si Guiao kina import Cameron Clark, Kevin Alas, Don Trollano, Justin Chua, Matthew Nieto, Kris Rosales, Raul Soyud at JR Quinahan.
“We’re the overwhelming underdogs. Aside from being the new players among teams competing in the semifinal round, Ginebra has the crowd support and the experience,” ani Guiao.
Samantala, kapwa magaan na nakapasok ang Bolts at Hotshots sa semis ngunit inaasahang iba ang sitwasyon sa pagsisimula ng kanilang serye.
“I think this going to be a dogfight,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero kasunod ng 127-88 pagbasura sa Phoenix Super LPG noong nakaraang Biyernes.
“We expect this is gonna be a very good series because both teams go hard, play defense, we both grind it out,” dagdag ni Victolero. “We don’t expect it to be easy.”
Naniniwala rin si Meralco coach Norman Black na mapapalaban ang kanyang tropa sa pagkakataong ito, hindi tulad noong magaan nilang dinispatsa ang San Miguel Beer, 100-85, noong Biyernes para makausad sa kanilang ika-4 na sunod na semis appearance at ikalawang sunod na Final Four meeting sa Magnolia.
“Magnolia is a whole different story,” ani Black.
“They’re pretty much the powerhouse team in the PBA and their import is probably right up there with the top imports in the league. So they’re a problem. They’re a problem we’re gonna have to try to solve.” CLYDE MARIANO