SEN.BATO HANDA NA SA ICC INVESTIGATION

IGINIIT  ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na handa siya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos sabihin ng ICC na ipagpapatuloy nito ang imbestigasyon sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“I have no more fears. You can go ahead whatever you want. I am ready. Whatever happens, my life, my future is dependent to the decision of this government,” ani Dela Rosa.

Kung maglalabas ng warrant of arrest o summon ang nasabing korte, sinabi ni Dela Rosa na tatanggapin niya ito.

“Kung magkakaroon ako ng warrant, sabihin ng Philippine government, ‘Okay, i-surrender natin si Bato du’n sa International Criminal Court. Ipakulong natin ito sa The Hague.’ Ano’ng magagawa ko? That’s the government’s decision,” aniya.

“Kahit na magtatago ka, if you are wanted by the Philippine government, there’s no way you can hide. Kilalang-kilala ako kaya hindi ako puwede makapagtago,” dagdag pa ng mambabatas. LIZA SORIANO