Ipinauubaya ni Senador Christopher Bong Go sa liderato ng PDP-Laban Cusi Wing ang pagsagot at pagpapaliwanag sa inihayag ni Mayor Inday Sara na tinanggihan ng PDP-Laban ang alok at panawagan niya na suporta at pagkakaisa.
Gayunman, sinabi ni Senator Go na ang pagkakaalam niya ay wala silang tinatanggihan.
Bilang administration party, lagi aniya silang nagsisikap na lumapit at makipag kaisa sa mga sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito ay sinabi ni Sara na matapos siyang makipag-alyansa at magpasyang maging ka-tandem ni Senator Bongbong Marcos, nanawagan siya ng suporta at pagkakaisa bagay na tinanggihan aniya ng PDP-Laban.
Sa pasya naman ni Inday Sa8ra na makipag-tandem kay dating Senator Bong Bong Marcos, sinabi ni Senator Go na “we always wish her well.” DWIZ882