IPINAUUBAYA na ng Senado sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasapubliko sa listahan ng ‘ninja cops’.
Ayon kay Senador Richard Gordon, bagama’t nagkasundo ang mga senador na isapubliko ang ibinigay na pangalan ng ‘ninja cops’ ni Baguio City mayor at dating PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong, mas makabubuti kung magmumula na lamang ito sa Pangulo.
Nakatakda nang isumite ng Senado sa Pangulo ang laman ng testimonya ni Magalong sa kanilang executive session.
Sinabi ni Gordon na nasa kamay na rin ng Pangulo ang gagawing aksiyon at pagpapa-imbestiga sa ‘ninja cops’. DWIZ882
Comments are closed.