SENIOR HIGH GRAD, PINALAD SA DOLE JOB FAIR

JOB FAIR

MAYNILA – ISANG senior high school graduate mula sa Davao City ang masuwerteng na-hire on the spot sa isa sa mga ginawang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Si Niño Sunggahid, 19, mula sa Tibungco, Davao City, ang natanggap sa trabaho bilang sales associate sa Gaisano Mall sa Davao.

Kabilang siya sa mga fresh college graduate na sumubok humanap ng mapapasukan sa isinagawang job fair sa ginanap na selebrasyon ng Labor Day.

Si Sunggahid, na kabilang sa mga pioneer batch ng Senior High School K-12 program ng DepEd, ay nagtapos ng Computer System Services sa F. Bustamante National High School sa Tibungco, Davao City.

Bilang isang fresh graduate at first-time applicant, nagpahayag ng pasasalamat at galak si Sunggahid makaraang makakuha ng trabaho sa naturang job fair.

Ang curriculum ng DepEd para sa Senior High School (SHS) ay saklaw ang huling dalawang taon ng K to 12 program, kabilang ang Grades 11 at 12. Sa SHS, ang mga mag-aaral ay dumaraan sa mga ­pangunahing curriculum at asignatura sa ilalim ng kanilang piniling kurso.      PAUL ROLDAN

Comments are closed.