SENIORS TINURUKAN NG SINOVAC

SINIMULAN nang bakunahan ng Sinovac ang mga senior citizen sa Maynila makaraang ipag-utos ang suspensiyon sa paggamit nito sa mga nakatatanda.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang paggamit ng natu­rang bakuna na nauna nang ipinatigil na gamitin sa senior citizens ay mu­ling ikinonsidera ng FDA ang mga rekomendasyon ng mga eksperto gayundin ang kasaluku­yang sitwasyon kung saan mataas ang COVID-19 transmission at limitado ang available na bakuna.

Mismong si FDA Director General Dr. Eric Domingo ang nag-anunsiyo na puwede ng gamitin ang Sinovac para sa senior citizens na dati ay Astra Zeneca lamang ang pinapayagang ipagamit sa mga may edad.

Kasabay nito, sinabi ni Moreno na tagumpay ng vaccination program rollout na isinagawa sa loob ng dalawang sunod na araw sa may 18 designated sites.

Nabatid na mayroong kabuuang 52,084 frontline workers, senior citizens at indibidwal na may comorbidities sa ilalim ng kategoryang A1, A2 at A3 ang nabakunahan nang simulan ang vaccination program ng pamahalaang lungsod noong unang linggo ng Marso.

Matatandaan na noong Enero, inihayag ng pamahalaang lungsod na plano nilang makapagbakuna ng may 18K indibidwal kada araw o katumbas ng 540K kada buwan sakaling may sapat na supply na ng bakuna.

Kaugnay naman ng cash assistance, patuloy ang pamamahagi ng ayuda ang ayuda mula sa national government simula pa noong Martes ng hapon.

Ani Moreno, kahapon ay nasa 12,550 pamilya na ang nakatanggap ng P4,000 bawat isa kaugnay ng pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ). VERLIN RUIZ

64 thoughts on “SENIORS TINURUKAN NG SINOVAC”

  1. Read now. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    cialis generic date
    drug information and news for professionals and consumers. Everything about medicine.

Comments are closed.