SERBISYO NG KURYENTE SA BULACAN MAS MAPAPABUTI DAHIL SA BAGONG CAPACITOR BANK NG MERALCO

Nagkabit kamakailan ang Manila Electric Company (Meralco), sa pangunguna ni Manuel V. Pangilinan, ng bagong 69 kilovolts (kV) 50 MVAR capacitor bank sa ­Alagao Switching Station nito sa San Ildefonso, Bulacan upang lalo pang mapabuti ang ­serbisyo ng kuryente sa mga customer.

Bahagi ng P31.11 milyon na proyektong ito ang paglalagay ng isang independent pole operation power circuit breaker, at iba pang mga kagamitan upang lalo pang mapabuti ang kalidad ng kuryente sa lugar.

Makatutulong ang bagong capacitor bank na mapabuti ang voltage level sa lugar na mapapakinabangan ng mga industrial na customer ng Meralco kabilang na ang Eagle Cement Corporation.

Aktibo at tuluy-tuloy na namumuhunan ang Meralco para lalong palakasin pa ang distribution system nito bilang bahagi ng layunin ng kumpanya na maghatid ng ligtas, maaasahan, at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga customer nito.