SERBISYO SA MGA KONSYUMER MAS PINAGHUSAY NG BAYAD NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA

JOE_S_TAKE

NGAYONG panahon ng pandemya, bilang bahagi ng bagong normal ay mas tumitindi ang pangangailangan ng mga Filipino sa mas modernong pamamaraan ng pagbabayad ng iba’t ibang produkto at serbisyo upang mas makaiwas sa COVID-19.

Kaugnay nito, ang isa sa mga pinakakilala at pinagkakatiwalaang pangalan ang muling nagpapakilala bilang pagpapasinaya sa mas moderno at mas pinaghusay na serbisyo nito sa mga konsyumer.

Ang Bayad o ang mas nakilala natin bilang ‘Bayad Center’ ay may bagong pagkakakilanlan, bagong logo, at bagong tagline. Ito ay inilunsad ng Bayad bilang dedikasyon sa layunin nitong makipag- ugnayan sa bagong henerasyon ng mga nagbabayad ng iba’t ibang produkto at serbisyo. Layunin din nito ang mas mapalawak ang digital footprint, at makatulong sa pagsulong ng pinansiyal na sektor ng bansa.

Sa isang episode ng programa ng DWIZ na pinamagatang ‘Mag-Usap Tayo’, binigyang-diin nina Bayad Chief Commercial and Marketing Officer Dennis S. Gatuslao at Bayad Marketing Head Wendell Kristian P. Labre ang mga pagbabagong inilunsad ng Bayad sa serbisyo nito.

Sa talakayan ay ipinaliwanag nina Gatuslao at Labre na ang pagbabagong isinagawa ng kompanya ay resulta ng dedikasyon nito sa pagpapahusay at pagpapaganda ng pinansiyal na karanasan ng mga Filipino.

Gamit ang higit 20 taong serbisyo at pangunguna sa merkado, sumailalim sa pagbabago ang Bayad bilang mas malaki, mas mahusay, at mas modernong pangalan na naglalayong makapaghatid sa publiko ng pinalawak na serbisyo, solutions portfolio, mga biller, mga channel partner network, at pati na rin ang mga onsite-to-online na plataporma nito.

Sa kasalukuyan, nasa higit 350 na ang kabuuang bilang ng mga biller partner ng Bayad. Mayroon din itong higit sa 1,500 na iba’t ibang uri ng bill, kabilang ang mga utility gaya ng koryente, tubig, internet, cable, at telepono. Kasama rin ang government fees at contributions, bayad sa mga loan, bayad sa pamimili online, at maging pambayad sa mga memorial plan.

Ilan pa sa mga kabilang sa serbisyo ng Bayad ay ang Instasure (insurance), Load, Pay-Out (loan disbursement), Remit, ATM (ATM transactions), Med Assist (medical reimbursement), at Travel. Ang mga nabanggit ay nasa ilalim na ng iisang pangalan kaya lalong naging madali, mabilis, at maginhawa ang serbisyo nito sa publiko.

Sa kasalukuyang panahon kung saan ang henerasyon ng mga millennial na ang maituturing na mayoridad ng populasyon, iniangkop ng Bayad ang bagong pagkakakilanlan nito sa pagiging moderno at pagkabata ng naturang mayoridad ng mga customer.

Ayon sa istatistika, 70% ng populasyon ay mula sa henerasyon ng mga millennial at ng Gen Z (1-28 taong gulang). Ito ay nangangahulugan na ito rin ang karamihan ng customers ng Bayad. Patuloy ang Bayad sa pag-angkop nito sa mga pagbabagong nangyayari sa merkado. Sa kasalukuyan ay nasa 40% ng transaksiyon ng Bayad ay nasa digital nang paraan. Bukod sa mga Bayad Center na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ang Bayad ay mayroon na ring tinatawag na Bayad Partners, Bayad App, at Bayad Online.

Ayon kay Bayad President and CEO Lawrence Ferrer, “there is a new world order emerging from advances in technology, business, and social spaces. Bayad is keeping abreast of market trends and the needs of its customers.”

Dagdag din ni Ferrer na ang Bayad ay palaging nag-iisip ng mga paraan kung paano mas mapadadali ang pagbabayad at iba pang pinansiyal na transaksiyon para sa mga customer nito, saan mang bahagi sila ng mundo. Ito ay dahil sa paniniwala ng kompanya na karapat-dapat ang mga Filipino sa mahusay na serbisyo kapalit ng pagsusumikap ng mga ito sa buhay.

Ang konsepto ni Ferrer sa paghahatid ng serbisyo sa mga customer lalo na ngayong panahon ng pandemya ay lubhang mahalaga. Malaking tulong sa pag-iwas sa COVID-19 ang pagkakaroon ng access sa iba’t ibang produkto at serbisyo nang hindi na kinakailangang lumabas ng ating tahanan. Base sa aking personal na karanasan, napakadaling magbayad gamit ang Bayad App lalo na’t mayroon itong kapasidad ng real-time posting ng iyong ibinayad. Nakakapanatag ng kalooban na pumasok agad ang aking ibinayad.

Ang Bayad App ay isang ‘all-in-one pera transaction platform’ na nagbibigay ng maginhawa, madali, at maaasahang paraan ng pangangasiwa sa pera at bayarin habang nakakakuha ng insentibo kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ito ay ginawa para sa mga ‘digitally-savvy’ na Filipino na nagnanais maging responsable lalo na sa personal na mga bayarin habang nakakakuha ng mga eksklusibong reward.

Ang nasabing app ay mayroong e-wallet at e-load na serbisyo. Maaari ring makita ang inyong mga bill at ang mga binayarang bill. Maaari rin ito magsilbi bilang personal na financial manager. Mayroon din itong kapasidad sa pagbabayad sa pamamagitan ng QR code.

Ang bagong Bayad Online ay karugtong naman ng serbisyo ng mga Bayad Center. Hatid din nito ang kaparehas na ligtas, maginhawa, at maaasahang paraan ng pagbabayad na maaaring gamitin 24/7, saan mang bahagi ka ng mundo.

Malaking kaginhawaan din ang hatid ng paggamit ng Bayad sa mga customer ng Meralco dahil sa ‘real-time posting’ na kakayahan nito. Makasisiguro ang bawat customer ng Meralco na magbabayad gamit ang Bayad App at Bayad Online na agad papasok ang kanilang ibinayad para sa bill sa koryente. Maaari rin itong makita agad sa system ng Meralco.

Mula sa pagiging simpleng over-the-counter payment center ng Meralco, napakalaki na ng ipinagbago ng Bayad. Sa kasalukuyan ay maituturing na ito bilang isang ganap na ‘full-service fintech’ na kompanya. May kakayahan na itong maghatid ng iba’t ibang uri ng produkto at serbisyong pinansiyal na maaaring makuha ng customer, online man o hindi ang transaksiyon nito.

Mula pa noon ay hinuhubog na ng Bayad ang iba’t ibang uri ng paraan ng pagbabayad ng mga konsyumer sa bansa. Makaaasa  ang mga customer na patuloy ang Bayad sa pagpapalawak at pagpapahusay ng serbisyo nito upang manatiling angkop sa pangangailangan ng mga konsyumer lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ang Bayad Online ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng website na www.online.bayad.com. Ang application naman nito ay maaaring i-download sa Google Playstore para sa mga Android users, at sa Appstore naman para sa mga iOS users.

8 thoughts on “SERBISYO SA MGA KONSYUMER MAS PINAGHUSAY NG BAYAD NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA”

  1. 858358 123603This style is spectacular! You obviously know how to keep a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Wonderful job. I actually enjoyed what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 515028

  2. I would like to thank you for the efforts you have
    put in writing this website. I’m hoping to see the same
    high-grade content from you in the future as well. In fact, your
    creative writing abilities has motivated me to get my own website now 😉

Comments are closed.